Heto Ang Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Layunin Ng Bionote”
BIONOTE – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang layunin ng isang bionote at ang mga halimbawa nito.
Maraming mga gawang panitikan na ating dapat matutunan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Bionote. Ito ay may layunin na ipakilala ang manunulat at nagpapahayag ng mga katangian nito bilang isang indibidwal na may kredibilidad.
Ginagamit ang mga bionote upang mabigyan ng sariling “profile” ang isang tao at naipapakita ang mga nagawa nito katulad ng mga akademikong achievements mga parangal at iba pa.
Heto ang mga bahagi ng isang Bionote:
- Personal na impormasyon – kung saan nagsimula ang awtor, ang edad, ang buhay nito noong siya’y bata pa lamang at iba pa.
- Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan kung saan ito natuto, mga akademikong parangal, at ang digri
- Ambag sa larangang kinabibilangan – ang mga parangal at naitulong nito sa kanyang kinabibilangang grupo at iba pa.
Katangian ng isang bionote:
- Maikli lamang ang laman nito
- Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw (third-person)
- Nagpapakilala sa mambabasa
- Gumagamit ng baligtad na tatsulok na sistema ng pagpapakita ng impormasyon mula sa pinakamahalaga papunta sa hindi gaano ka halaga.
- Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
- Binabanggit ang degree kung kailangan
- Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: BIONOTE – Ang Kahulugan At Mga Halimbawa