Heto Ang Mga Halimbawa Uri Ng Pamumuhay Sa Indus Valley
INDUS VALLEY – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa Indus Valley.
Ang kabihasnan ng Indus ay tinatawag din na “Kabihasnan ng Harappan“. Ito ang isa sa pinakaunang panlunsod na kabihasnan sa subcontinent ng India.
Ang kabihasnan na ito ay unang nakilala noon 1921 sa Harappa sa rehiyong Pujnab. Pagkatapos, noong 1922 ito’y nakita rin sa Mohenjo–daro na malapit sa Indus River.
Sa mga lungsod na itinayo sa kabihasnang ito ay maraming mga bahay na hugis parisukat. Bukod dito, halos walang espasyo ang mga gilid ng bahay ng mga bahay na ito.
Pero, kapag titignan natin ng maigi ang loob ng mga bahay na ito, malawak ay malalaki ang mga espasyo. Karagdagan, may kanya-kanyang mga palikuran ang mga bahay na napatayo sa lungsod ng Indus Valley.
Isa rin sa mga pondasyon ng makabagong lungsod at teknolohiya ang mga lugar sa Indus valley dahil dito naipatayo ang unang sewage system sa buong mundo.
Pagdating naman sa sining, ang mga taong nasa Indus Valley ay may talento sa paggawa ng palayok. Bukod dio, nag-uukit din sila ng mga bato.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paksa Tungkol Sa Wika At Kulturang Filipino – Halimbawa At Kahulugan