Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Philippine Rehabilitation Act?”
PHILIPPINE REHABILITATION ACT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Philippine Rehabilitation act at ang kahulugan nito.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o “World War II”, iba’t-ibang bansa ang nangangailangan ng tulong, lalo na sa pinansyal na aspeto.
Isa sa mga bansang ito ang Pilipinas na kung saan nagkaroon ito ng magandang relasyon sa Estados Unidos. Kaya naman, matapos ang WWII, si US Senator Millar Tydings ay gumawa ng “McDuffle Act”.
Ito ay isang batas na nagtaguyod sa rehabilitasyon ng bansa natin. Kaya naman, tinawag ito na Philippine Rehabilitation Act of 1946.
Ayon sa batas na ito, bibigyan ng US ang Pilipinas ng pera upang matulungan itong maka-ahon sa epekto ng digmaan. $520M ang perang ibinigay sa Pilipinas para maayos ang mga nasira o naapektuhan ng digmaan.
Pero, may kasamang kapalit ang batas na ito. Hindi maaaring makuha ng Pilipinas ang tulong-penansyal kapag hindi ito sumang-ayon sa “Bell Trade Act”. Ito ay isang panukalang batas na ginawa ni US Rep. Jasper Bell sa kongreso ng Estados Unidos.
Ngunit, nagtapos din ang Bell Trade Act nnong 1954 matapos itong pinalitan ng bagong sunduang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas. Tinawag ito na Kasunduang Laurel-Langley. Itinatag ang batas na ito noong 1955.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sino-sino Ang Namuno At Nakilahok Sa Nasabing Pag-aalsa? (Sagot)