Dito, Lahat Ng Kalalakihang Edad 16-60 Taong Gulang Ay Nagtatrabaho Sa Malayo
Polo Y Servicio – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tawag kapag lahat ng kalalakihang edad 16-60 taong gulang ay nagtatrabaho ng malayo sa kanilang pamilya at walang bayad na tinatanggap.
Ang tawag dito ay Polo Y Servicio. Ito ay isang patakaran kung saang sapilitang pinapagawa ang mga kalalakihang nasa edad 16-60 taong gulang.
Ito’y ipinatupad ng mga mananakop na Espanyol sa taong 1580. Sapilitang pinapagawa ang mga Pinoy na lalaki ng halos 40 araw. Ang tawag sa mga taong nasa ilalim ng Polo Y Servicio ay mga Polista.
Ang patakarang ito ay itinuturi bilang pagpapakita ng pagsisilbi sa pamahalaan ng Espanyol. Bukod dito, ang mga polista ay tumutulong sa paggawa ng mga tulay, simbahan, at iba pang mga establisyamento.
Ang mga tao naman na hindi gustong magsailalim sa Polo Y Servicio ay binibigyan ng multa o “falla” kapag ayaw nilang magtrabaho.
Dahil sa Polo Y Servicio, maraming mga Pilipino ang nawalan ng kapasidad para ipakain ang kanilang sarili. Ito’y nagdulot ng lubusang pagkagutom dahil hindi naman sila binibigyan ng pera para sa kanilang trabaho. Dahil dito, nag-alsa ang maraming Pilipino at nag udyok din ito ng maraming rebelyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Why We Need To Think Before We Click – Examples Scenarios