Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Patakarang Pananalapi?” (Sagot)
PATAKARANG PANANALAPI – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng patakarang pananalapi at ang halimbawa nito.
KAHULUGAN NG PATAKARANG PANANALAPI
Ang patakarang pananalpi ay isang bagay na pinangangasiwaan ng Banko Sentral Ng Pilipinas o (BSP). Ito’y nagsasaad kung gaano karami at kailan dapat na ilalabas ang suplay ng pera para sa ating ekonomiya.
Bukod dito, ito ang ginagamit upang malaman ang kailangang gawin upang maging tama ang pagbibigay ng suplay ng salapi sa ating bansang Pilipinas. Dahil sa patakarang pananalapi, ating masasabi na maiimpluwensiyahan ng salapi ang produksiyon at pagbabago ng presyo ng mga bilihin.
MGA URI NG MONEY SUPPLY SA PILIPINAS
May tatlong pangunahing uri ng money supply na dapat nating tandaan. Ito ang mga sumusunod:
- Money Supply
- Ito ang salaping umiikot sa ekonomiya ng ating bansa (papel na pera, barya, pandepositong tseke).
- Tight Money Policy
- Ang pagbabawas ng money suppy upang mabawasan ang lapis na paggasta.
- Easy Money Policy
- Ito’y ginagamit kapag labis na matamlay ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kakulangan ng suplay ng salapi.
LAYUNIN NG PATAKARANG PANANALAPI
Mayroong dalawang layunin ang patakarang pananalapi ito ay ang Pagpapatatag ng presyo at Paglago. Upang maisatupad ito, ginagawa ng BSP na magkaroon ng tamang suplay ng salapi at tamang interest at tamang implasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Katutubo Halimbawa