Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Katutubo Halimbawa

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Panitikang Pilipino Sa Sinaunang Panahon Ng Ating Katutubo

PANITIKANG PILIPINO – Ang ating mga katutubo ay mayroong mga magagandang mga panitikan sa kanilang panahon.

Sa paksang ito, ating bibibgyang pugay ang mga panitikan ng ating mga katutubo. Bukod dito, aalamin din natin ang iba’t-ibang impormasyon tungkol dito.

Panitikang Pilipino Sa Panahon Ng Katutubo Halimbawa

Sa panahon ng ating mga katutubo, ang mga paraan ng pagsasalin ng panitikan ay pasalin-dila. Samantala, ang mga panitikan ay isinusulat lamang sa mga piraso ng kawayan, matibay na kahoy, at makikinis na mga bato.

Ang mga halimbawa ng panitikang Pilipino ng ating mga katutubo ay ang mga sumusunod:

  • Kwentong-bayan
  • bugtong
  • alamat
  • epiko
  • kantahing bayan
  • salawikain
  • kasabihan
  • palaisipan
  • karunungang-bayan

Dahil hindi pa gaanong umunlad ang pag-susulat, ang paraan ng pagpapanatili ng mga panitikang ito ay ang pagsasalin-dila. Kaya naman, mas madaling maipasa ang mga bugtong at salawikain dahil kadalasan ito’y maikli at palaging sinasabi.

Samantala, ang mga kantahing bayan naman ay gumagamit ng ritmo at nagsasalarawan sa mga kaganapan sa paligid. Dahil dito, madali din itong maipapasa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kabatiran Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment