Tamang Posisyon Sa Paggamit Ng Computer At Bakit Ito Mahalaga

Heto Ang Mga Tamang Posisyon Sa Paggamit Ng Computer At Ang Kahalagahan Nito

POSISYON SA KOMPYUTER – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tamang posisyon sa paggamit ng computer.

Sa panahong ito, laganap na ang paggamit ng tekonolohiya, lalo na ang kompyuter. Mula sa mga estudyante sa paaralan papunta sa mga trabaho sa opisina, ang kompyuter ay hindi mawawala.

Lalo na ngayon sa pandemya, maraming mga estudyante ang kailangan umupo sa harap ng computer sa matagal na oras dahil sa online class. Pero, ano nga ba ang tamang paraan ng pag-ubo o posisyon?

Mahalaga na malaman natin ang tamang posisyon para maprotektahan ang ating 1) mata sa masasamang epekto ng pagtingin sa screen ng kompyuter at 2) para ma isaayos ang ating tindig.

Tamang Posisyon Sa Paggamit Ng Computer At Bakit Ito Mahalaga

Dapat magkaroon ng 45-70 cm na layo ang ating mga mata sa monitor ng ating computer. Bukod dito, dapat mas baba ang eye level ng ating monitor. Ibig sabihin, ang ating pagtingin ay pababa sa screen para ma iwasan ang tinatawag na “eye strain”.

Kailangan din na ma relax ang ating balikat at nakasandal ang likod para ma iwasan ang isyu sa ating spine.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pabula Sa Mindanao Halimbawa – Mga Pabula Ng Mindanao

Leave a Comment