Heto Ang Mga Halimbawa Ng Pabula Na Makikita Sa Mindanao
PABULA SA MINDANAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng pabula sa Mindanao.
Ang isang pabula ay kuwento na nagbibigay ng aral sa mga mambabasa. Pero, sa halip na mga tao, ang mga karakter sa mga kuwentong ito ay mga hayop.
Dahil dito, mas madaling makuha ng mga kuwento ang atensyon ng mga kabataan at maturuan sila ng mga gintong aral. Kadalasan nating makikita ang mga pabulang Tagalog na nangagaling sa Luzon.
Pero, ang mga rehiyon ng Visayas at Mindanao ay mayroong iba’t-ibang mga magagandang pabula. Heto ang halimbawa ng mga pabulang galing sa Mindanao:
- Si Haring Tamaraw at si Daga
- Ang Mataba at Payat na Usa
- Ang Aso at ang Uwak
- Naging Sultan si Pilandok
- Si Aso at si Ipis
BUOD NG HARING TAMARAW AT SI DAGA
Isang araw, si Haring Tamaraw ay umikot sa kagubatan. Dumating siya dito na sobrang pagod. Kaya naman, naantok agad ito at nakatulog sa ilalim ng Narra. Pagkatapos, dumating naman si Daga na tuwang-tuwa na naglalaro sa puno ng narra.
Pinaalis naman ito ng mga ibong nakadapo sa puno at sinabing natutulog si Haring Tamaraw. Umalis naman kaagad ito. Pero dahil sa kanyang pagmamadali, naapakan ng daga ang paa ni Haring Tamaraw.
Kumilos ang hari at naipid ang paa ng Daga. Umirit si Daga dahil sa sakit at nagising nito ang nakatulog na Tamaraw. Galit na galit ito pagkagising at hinuli ang daga. Pilang parusa, kakainin niya raw ito.
Nagmakaawa ang daga at nangakong hindi na ito mauulit. Pinakawalan naman ng hari ang daga at pinatawad. Nagpasalamat agad ang daga sa kanya.
Matapos ang ilang araw, pumunta naman ang hari sa kagubatan at nakaapak ito ng patibong ng tao. Napasok ito at nakulong sa Hawla. Dumating naman kaagad si Daga para tulungan siya.
Kinagat ng daaga ang ang mga tali at naka alis ang Tamaraw sa hawla. Nagpasalamat naman si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabutng magkaibigan ang dalawa.
BASAHIN DIN: Kasarinlan Kahulugan At Halimbawa Nito