Heto Ang Ahensya Na Nangangasiwa Sa Lokal Na Pamahalaan
LOKAL NA PAMAHALAAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang tawag sa ahensya na nangangasiwa sa lokal na pamahalaan.
Bilang arkipelago, ang mga isla sa Pilipinas ay watak-watak. Kaya naman, mahihirapan kung iisang katawan lamang ng gobyerno ang nariyan para pamahalaan ito.
Kaya naman, may mga sistema tayo ng lokal na pamahalaan para mamahala sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Ang tawag sa mga lokal na pamahalaang ito ay ang “Local Government Unit” o LGU.
Ngunit, ang mga LGU ay sumasagot pa rin sa National Government. Pero, dahil malaki rin ang sakop ng National Government, bumuo ito ng mga ahensya na naka pokus sa iba’t-ibang mga aspeto ng pamamahala.
Isa sa mga ahensyang ito ay ang Department of Interior and Local Government o DILG. Ang DILG ay siyang nangangasiwa at namamahala sa mga lokal na pamahalaan.
Ang mga sakop ng DILG ay ang Bureau of Local Government Development (BLGD), Bureau of Local Government Supervision (BLGS), at ang National Barangay Operations Office (NBOO).
Ilan lamang sa mga plataporma ng DILG ay ang pokus sa teknikal at piskal na kakayahan ng mga LGU. Naipatayo ang DILG noong March 22, 1897 sa panahon ng rebolusyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Manoryalismo – Kahulugan At Halimbawa Nito