Mga Uri Ng Pananagutan – Kahulugan At Halimbawa Nito

Heto Ang Mga Uri Ng Pananagutan At Mga Halimbawa Nito

PANANAGUTAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga uri ng pananagutan at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Mayroong anim (6) na uri ang pananagutan na dapat nating bigyang pansin at pag-aralan. Pero bago natin ito tatalakayin, atin munang bigyan ng depensiyon ang pananagutan.

Mga Uri Ng Pananagutan – Kahulugan At Halimbawa Nito

PANANAGUTAN – batay sa isa nating artikulo, ang pananagutan ay:

Ang responsibilidad ng isang tao na kailangang gampanan. Bukod dito, kapag pananagutan ang pinag-uusapan, ito’y nangangahulugan na kapag hindi ito na gawa, mayroong negatibong epekto ito sa iyo at sa mga taong kasama dito.

Heto naman uri ng pananagutan:

KILOS NG TAO – Heto ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito at sinasabing likas at naayon sa kalikasan ng isang indibidwal. Ang kilos na ito ay sinasabing walang aspekto ng kabutihan o kasamaan kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.

MAKATAONG KILOS – Ito ay kilos na ginawa ng may kaalaman. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman na ginagamitan ng isip kaya mayroon itong pananagutan.

KUSANG LOOB – Ang uri ng pananagutan na ito ay may kilos na mayroong kaalaman at pagsang ayon. Sinasabing may lubos na pagkakaunawa ito sa kalikasan at kahihinatnan ng indibidwal.

PAGSUSURI – Mayroong dalawang halimbawa ang pagsusuri, ang di kusang loob at walang kusang loob.

WALANG KUSANG LOOB – Walamang kaalaman ang isang tao kaya walang pagsang ayon sak ilos na ginagawa nito. Hindi ito pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.

DI KUSANG LOOB – Dito, may paggamit ng kaalaman. Pero, kulang ang pagsang ayon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Eksistensyal Halimbawa At Kahulugan Nito: +5 Halimbawa

Leave a Comment