Heto Ang Mga Halimbaw Ng Kahalagahan Ng Windmill
BAKIT MAHALAGA ANG WINDMILL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga kahalagahan ng isang windmill at ang mga halimbawa nito.
Sa Pilipinas may iilang lugar lamang na mayroong windmill. Pero, isa sa pinakasikat na lugar at kilala para sa kanilang mga windmill ay ang Bangui Windmills.
Madali lamang makilala ang mga windmill dahil ang hitsura nito ay parang mga malalaking bentilador na naka lagay sa mga baybaying dagay ng Bangui sa Ilocos Norte.
Bukod sa tulong nito sa pagbibigay ng enerhiya, ito rin ay nagiging destinasyon ng mga turista.
Mahalaga ang mga windmill dahil sila ay mga halimbawa ng “renewable energy source” o mga pinakukunan ng enerhiya na maibabalik pa.
Hindi katulad ng gas o krudo, ang windmill ay gumagamit ng natural na hangin para makagawa ng enerhiya. Dahil dito, mas malinis ang uri ng elektrisidad na lumalabas at mas nagiging mababa ang polusyon.
Napakahalaga ng mga windmill dahil nagbibigay sila ng paraan upang makagawa ng kuryente nang hindi nagdudulot ng polusyon, na isang mas malusog na opsyon para sa atin at para sa lupa.
Ang lakas ng hangin ay isa ring nababagong mapagkukunan. Nangangahulugan ito na patuloy itong magagamit sa Earth dahil ang hangin ay patuloy na ginagawa
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Maingat Na Pagpasya – 5 Halimbawa At Kahulugan Nito