Sagot Sa Tanong Na “Kailan Masasabing Kontemporaryong Isyu Ang Pangyayari?”
KONTEMPORARYONG ISYU – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung kailan natin masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari.
Bago natin sagutin ang tanong na ito, atin munang alamin kung ano nga ba ang isang kontemporaryong isyu. Bukod dito, magbibigay rin tayo ng mga halimbawa.
Ayon sa nakalipas nating mga artikulo, ang kontemporaryong isyu ay:
naglalarawan sa mga pangyayari, ganap, opinyon, ideya, o paksa tungkol; sa mga kasalukuyang panahon. Basta may interest ang mga tao at nagiging isyu sa kasalukuyang panahon, ito ay isang kontemporaryong isyu.
Pero, paano natin masasabi na ang isang kaganapan ay kontemporaryong isyu?
Madali lamang masasabi na ang isang pangyayari ay kontemporaryong isyu. Una sa lahat, dapat mayroong mga mahahalagang katangian ang isang pangyayari para ito ay matatawag na kontemporaryong isyu:
- Naaapektuhan ang karamihan ng tao sa lipunan.
- Ito’y kumukuha ng interest ng madla.
- Mahalaga ito sa larangan ng pulitika.
- Nakakatulong sa tao.
- Isang problema na madalas bumabalik
Kapag pasok ang pangyayari sa mga ganoong pamantayan, ating masasabi na ang isang pangyayari ay kontemporaryong isyu. Ating tandaan, ang mga kontemporaryong isyu ay mahalaga rin para malinaw tayo sa totoong nangyayari sa ating lipunan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kailan Binuksan Ang Suez Canal? (Sagot At Paliwanag)