Heto Ang Kahulugan Ng Kasabihang “Huwag Maging Dayuhan Sa Sariling Bayan”
DAYUHAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng kasabihang “HUWAG MAGING DAYUHAN SA SARILING BAYAN“.
Paano nga ba posibleng maging dayuhan sa sariling bayan? Ang isang dayuhan ay taong galing sa ibang bansa o lugar na bumisita sa ating lokal na lugar.
Kadalasan, mga Amerikano at iba pang mga foreigner ay pumupunta sa Pilipinas upang magbakasyon. Pero, sabi ng iba, may mga Pilipino na parang dayuhan sa kanilang sariling bansa.
Subalit, hindi lahat ng mga Pilipino ay may pera upang mag bakasyon sa mga magagarang lugar ng ating bansa. Kapag ito ba ay nangyari tayo ba ay agad na matatawag na dayuhan sa sariling bayan?
Ang ibig sabihin ng dayuhan sa sariling bayan ay isang Pilipino na hindi alam ang kultura at tradisyon ng sarili nitong nasyon. Para hindi tayo maging dayuhan sa isang bansa, dapat nating bigyang halaga ang ating kasarinlan, wika, produkto at iba pang katangian.
Ang Pilipinas ay maraming maipagmayabang sa ibang mga bansa. Kaya naman, dapat natin tangkilikin ang sariling atin. Kapag nagawa natin ito, hindi tayo magiging dayuhan sa ating sarilin bansa.
Ang 7,107 na isla ng Pilipinas ay napakaganda at sagana sa likas na yaman. Maaaring kulang ang ibang mga bansa sa agrikultura, landscape, at cultural resources. Halina’t bisitahin ang bawat bayan at alamin ang kasaysayan ng mga lalawigan.
Tangkilikin ang magagandang tanawin at napakasarap na lutuin. Alamin ang tungkol sa maraming diyalekto, mula Aparri hanggang Jolo. .
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Problema Ni Tenyong Sa “Walang Sugat” Ni Severino Reyes