Sino Ang Unang Nakarating Sa Pilipinas Ayon Sa Teorya? (Sagot)

Ayon Sa Mga Teorya, Sino Ang Mga Unang Nakarating Sa Pilipinas? (Sagot)

UNANG NAKARATING SA PILIPINAS – May iba’t-ibang teorya tungkol sa kung sino ang unang nakarating sa ating bansa.

Sa paksang ito, ating tatalakayin ang ilan sa mga teoryang ito at iba pang kaalaman tungkol sa mga teorya. Sa kasalukuyan, mayroong tatlong teorya tungkol sa unang dumating sa Pilipinas.

Sino Ang Unang Nakarating Sa Pilipinas Ayon Sa Teorya? (Sagot)

TEORYA 1: Teorya ng Pandarayuhan ni Dr. Henry Otley Beyer

Ayon kay Otley Beyer, mayroong 3 pangkat na pumasok sa Pilipinas bago paman ang lahat. Ito ang mga Negrito, Indones, at Malay.

TEORYA 2: Teorya ng Ebolusyon ni Felipe Landa Jocano

Para naman kay Felibe Landa Jocano, may mga taong naka tira na sa Pilipinas at dito naganap ang kanilang ebolusyon. Ayon sa kanya, may tatlong sina-unang tao na nasa Pilipinas:

  • Homo Erectus philipinensis- nakita sa Cagayan
  • Homo Sapiens – Nakita sa Novaliches
  • Homo Sapiens Sapiens- Taong Tabon sa palawan

TEORYA 3: Teorya ng Austranesyano ni Peter Bellwood

Ayon naman sa mga pananaliksik ni Bellwood, ang mga ninuno ng Pilipino ay galing sa mga Malay at Indones, at mga lahi ng mga taga Pacific Island. Base sa kanyang mga sulat, nanggaling ang mga ito sa Hilagang Vietnam at Timog Tsina.

Galing sa Timog tsina sila ay may plano na mag-tungo sa Taiwan at papuntang Pilipinas hanggang makarating sa timog silangang Asya. Sila’y naglakbay sa dagat gamit ang balangay.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pagmamahal Sa Sariling Wika? (Sagot)

Leave a Comment