Bakit Mahalaga Ang Pagmamahal Sa Sariling Wika? (Sagot)

Heto Ang Mga Halimbawa Kung Bakit Mahalaga Ang Pagmamahal Sa Sariling Wika

PAGMAMAHAL SA WIKA – Sa paksang ito, ating pag-aarlaan kung bakit nga ba mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika.

Ang pagmamahal sa ating sariling wika ay isa sa mga paraan upang ipakita natin ang pagiging nasyonalismo. Ito’y dahil ang ating sariling wika ay nagbibigay ng katotohanan sa ating kalayaan.

Bakit Mahalaga Ang Pagmamahal Sa Sariling Wika? (Sagot)

Ito ang nagbibigay sa atin ng kasarinlan sa ibang mga lugar. Bukod dito, ang ating wika ay parte ng ating kultura at tradisyon at dapat itong bigyang halaga.

Dahil sa mabilis na pag angat ng teknolohiya, mas marami na ngayon ang nagbabago sa ating paligid. Kasama na dito ang ating kultura.

Mas ginagamit na natin ang mga kultura ng iba dahil mas mabilis ito para sa atin. Dahil dito, posibleng mawala ang pansariling pagmamahal sa ating mga tradisyon.

Napakahalaga na pahalagahan natin ang ating sariling wika upang pahalagahan at gamitin ito ng mga susunod na henerasyon. Ang ating sariling wika ay puspusang binuo ng ating pambansang bayani, Doktor Jose P. Rizal, at iba pang mga ninuno na nagsumikap na itaguyod ito, kaya’t hindi natin ito dapat balewalain.

Ang hindi pagkagusto sa sariling wika, ayon kay Dr. Jose P. Rizal, ay “higit pa sa malansang isda.” Kaya naman, dahil atin ito, dapat natin itong pahalagahan, tangkilikin, at ipagmalaki.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pahayag Sa Pagbibigay Patunay – Kahulugan At Halimbawa

Leave a Comment