Paano Makikilala Na Mitolohiya Ang Isang Akda? (Sagot)

Sagot Sa Tanong Na “Paano Makikilala Na Mitolohiya Ang Isang Akda?”

MITOLOHIYA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung paano nga ba makikilala na mitolohiya ang isang akda at ang mga halimbawa nito.

Maraming mga paraan para makilala na mitolohiya ang isang panitikan o sulat. Ilan sa mga basehan nito ay ang tema ng akda, ang paraan ng pagsulat, ang kultura o tradisyon na binasehan nito at maraming pang iba.

Paano Makikilala Na Mitolohiya Ang Isang Akda? (Sagot)

Madalas na tinatalakay sa mga mitolohiya ang mga tema ng kababalaghan. Pero, ito’y nababalot sa mga kathang isip lamang na galing sa ating mga ninuno.

Subalit, naka angat din ito sa kasaysayan ng isang lugar o kaya’y modernong pag-aaralan. Heto ang mga paraan kung paano makilala ang isang akda bilang isang mito:

  • TAUHAN
    • mga diyos o diyosa  
    • mga taong may taglay na kapangyarihan  
    • makulay at puno ng nakaka aliw na mga karakter
  • BANGHAY
    • Dapat naka lagay kung makatotohanan o di makatotohanan ang mga pangyayari
    • Naglalahad ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan para maipagtanggol ang kanyang lugar
  • TAGPUAN
    • Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong  
    • May kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba pa  

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paano Matukoy Ang Kinalalagyan Ng Pilipinas? (Sagot)

Leave a Comment