Paano Kumilos Ang Hayop At Tao – Kahulugan At Halimbawa

Heto Ang Mga Paraan Kung Paano Kumilos Ang Tao At Hayop

TAO AT HAYOP – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung paano nga ba kumilos ang hayop at tao at ang mga halimbawa nito.

Ang tao at hayop ay mayroong iba’t-ibang paraan ng pagkilos. Isa sa mga malalaking dahilan nito ay ang natural na environment kung saan nakatira ang mga hayop at tao.

Paano Kumilos Ang Hayop At Tao – Kahulugan At Halimbawa

Halimbawa, kung nasa kagubatan ang isang hayop, ito’y gumagamit ng kanyang likhang instinto o “instinct”. Samantala, ang hayop na lumaki sa bahay ay kadalasang naghihintay lamang na bigyan ng pagkain ng kanyang amo.

Pero ating tandaan na kahit saan man ang mga hayop, sila ay gumagamit ng kanilang damdamin. Pero, ang tao naman ay gumagamit ng kanilang isip at kilos-loob.

Ang pag-uugali ng hayop ay karaniwang idinidikta ng kung ano ang nararamdaman nito. Kapag sila ay pinabayaan o pinahirapan, sila ay nababalisa.

Halimbawa, kapag hindi sila pinakitunguhan ng maayos, sila ay nagagalit at marahas, ngunit kapag sila ay binigyan ng pangangalaga, sila ay kumakalma.

Samantala, bilang resulta ng kanyang utak at instincts, ang tao, sa kabilang banda, ay may kapangyarihang makaalam at makapagdesisyon nang malaya.

Ginagamit niya ang kanyang utak upang maunawaan at ang kanyang mga instinct upang kumilos o magtrabaho sa direksyon ng kabutihan at katotohanan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paano Nagsimula Ang Piyudalismo Sa Europa? (Sagot)

Leave a Comment