Heto Ang Mga Halimbawa Ng Kahalagahan Ng Lupa Sa Sistemang Piyudal
SISTEMANG PIYUDAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng lupa sa sistemang piyudal.
Ang pagmamay-ari ng lupa ay katumbas ng kapangyarihan. Tanging ang hari lamang ang nagmamay-ari ng mga lupain sa sistemang pyudal, na kadalasang kilala bilang pyudalismo.
Sila lang ang makapangyarihan at may awtoridad na mangibabaw sa mundo. Kung ikaw ay isang karaniwang mamamayan na nagmamay-ari ng lupa, dapat mong isuko ito sa hari para sa proteksyon.
Ang lupang kailangang isuko ay pagmamay-ari ng mga basalyo o alipin. Ang mga lupaing binitawan ay tinatawag na fief.
May ilan lamang na pangkat ng tao na guamgamit ng Sistemang Piyudal. Sila ang mga sumusunod:
Noble – Sa Tagalog, ang mga noble ay tinatawag na mga maharlika. Kasapi dito ang mga mayayaman at makapangyarihang tao sa isang lugar. Masasabi natin na ang mga hari, basaylyo, at nakakababang panginoon ay mga halimbawa ng maharlika. Namamana ang kanilang mga kapangyarihan.
Klerigo – Ang mga klerigo ay matataas na opisyal ng simbahan. Dahil sa kanilang impluwensiya sa tao, nabibigyan sila ng lupa ng hari upang pamahalahaan at upang maipag patuloy ang kanilang mga serbisyo.
Pesante – Dito makikita ang mga pinakamababang antas ng lipunan. Napapaloob dito ang mga magsasaka at ang mga taong nagtatrabaho sa kabukiran.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Gumawa Ng Balita? – Mga Hakbang Sa Paggawa