Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Kalayaan?”
KALAYAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang kalayaan at ang mga halimbawa nito na ating makikita sa kasalukuyang panahon.
Ano nga ba ang kalayaan? Marahil iba’t-iba ang mga sagot natin. Kaya naman, dapat nating tanungin ang ating sarili kung ano nga ba ang “kalayaan” para sa atin at bakit ito importante.
Ang kalayaan ba ay ang kakayahang gumawa ng mga bagay na nagpapasaya sa iyo? O kaya ang kalayaan na ihubog ang isang ideolohiya.
Para sa mga iskolar, ang kalayaan ay ang kakayahan ng isang indibidwal na magsalita, mag-gawa, o mag isip ng kung ano man ang ating gusto na walang hadlang.
Pero, dapat din nating aalahanin ang ibang tao. Ang aksyon, salita, o isip ba natin ay nakakasama sa iba? Kung oo ang sagot, dito na dapat pumapasok ang mga Likas na Batas Moral. Ito ang bagay na gumagabay sa ating kalayaan na binigay ng Diyos.
Bilang mga Pilipino, mahalaga sa atin ang kalayaan dahil ito’y nagbibigay ng kasarinlan sa ating bansa at sa mga indibidwal na sakop nito. Ang ating kalayaan ay nagpapatunay na tayo ay miyembro ng lipunan na mayroong mga karapatan.
Atin ring tandaan na mayroong iba’t-ibang uri ng kalayaan katulad ng mga sumusunod:
- Panloob na kalayaan
- Panlabas na kalayaan
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Ideolohiya Sa Isang Bansa? (Sagot)