Panagano Ng Pandiwa Kahulugan At Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Panagano Ng Pandiwa?” At Halimbawa Nito

PANAGANO NG PANDIWA KAHULUGAN – Ang mga pandiwa ay may iba’t-ibang mga anyo na maaaring gamitin depende sa panahon at panagano, pero, ano nga ba ang kahulugan nito?

ANO ANG PANAGANO? – Ang panagao ay isang katangian ng pandiwa na nagbibigay ng kahulugan sa mga ipinalalagay ng tagapag-salita. Maaari itong maging isang pahayag bílang isang katotohanan, utos, posibilidad, at iba pa.

Panagano Ng Pandiwa Kahulugan At Halimbawa Nito

PANAGANO NG PANDIWA

May apat na pangunahing panagano ng pandiwa na ating dapat malaman. Heto ang mga sumusunod:

  • PAWATAS – Ang pawatas ay binubuo ng isang panlapi ng pandiwa kasama ang isang salitang-ugat na walang nakakabit o taong nakakabit.
    Mga halimbawa:
    • Responsibilidad ng tao na sabihin ang totoo.
    • Isang pribilehiyo na maging isang mang-aawit ng opera.
  • PAUTOS – walang pagkakaiba sa pawatas. Ito rin ay walang tiyak na panahon at ginagamit ito upang mag-utos o magmakaawa:
    Mga halimbawa:
    • Magsumikap tayong lahat na mahalin ang Diyos.
    • Maging mapagbigay tayo sa mga nangangailangan.
    • Ang mga karapatan ng bawat isa ay dapat igalang.
  • PATUROL – Naiiba sa iba dahil ang porma ng pandiwa ay nagbabago sa mga aspeto na perpekto, hindi perpekto, at nagmumuni-muni.
    Mga halimbawa:
    • luhod + um = lumuhod > lumuluhod > luluhod
    • Dasal + mag = magdasal > nagdasal > nagdarasal > magdarasal
    • Dasal + in = Dinasal > Dinarasal > Darasalin
  • PASAKALI – Ito naman ay ginagamit ng mga pangatnig o pang-abay para maisalarawan ang kalagayang pasubali.
    Mga halimbawa:
    • Posible kaming tumuloy kapag may sasakyan.
    • Kung nabuhay siya, hindi yun magiging masaya ngayon.
    • Marahil ay nagagalit siya sa atin ngayon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Tauhan Sa Dula Halimbawa At Kahulugan: Ano Ang Pipiliin Mong Tauhan?

Leave a Comment