Mga Katanungan Na Mabuo Galing Sa “Ang Tsinelas Ni Lily”
TSINELAS NI LILY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang mga tanong na maaari nating mabuo mula sa “Ang Tsinelas Ni Lily”.
Heto ang buod ng kuwento:
Pudpod at gula-gulanit na tsinelas lamang mayroon si Lily. Matagal na siyang nagtitiis na gamitin ito dahil wala siyang sapat na pera upang makabili ng bago. Nasubukan na rin niyang maglagay ng alabmre o kaya ay pardible sa tuwing napipigtal naman ang kanyang tsinelas.

Isang sabado ng umaga, muli ay pupunta sila sa ilog upang mangisda at tulungan ang kaniyang ama. Pasakay na sana siya sa bangka nang may napansin siyang bagay na inaanod ng tubig. Napatalon sa galak dahil nakapulot siya ng isang pares ng tsinelas.
Heto ang mga posibleng tanong na mabubuo sa kuwento:
- Ayon sa binasa, ano ang gintong aral na ating makukuha?
- Bakit napatalon si Lily habang siya’y tumutulong sa kanyang ama sa pangingisda sa ilog?
- Ilang pares ng tsinelas mayroon ang batang si Lily?
- Si Lily ay isang halimbawa ng anong klaseng bata?
- Ano ang inanod ng tubig na nagbigay ng kasiyahan kay Lily?
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Panagano Ng Pandiwa Kahulugan At Halimbawa Nito