Heto Ang +10 Halimbawa Ng Mga Panununtunan Sa Paaralan Na Dapat Sundin
PANUNUNTUNAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga panununtunan sa paaralan at mga halimbawa nito. Pero, bago nating talakayin ang mga tuntunin na dapat sundin sa paaralan, atin munang alamin ang kahulugan ng “panununtunan“.
ANO ANG PANUNUNTUNAN?
Ang isang utos o tuntunin na dapat sundin upang maisakatuparan ang kabutihang panlahat ay tinutukoy bilang isang patakaran o batas.
Mayroong mga regulasyon at batas na ipinatutupad sa maraming mga institusyong panlipunan, kabilang ang mga paaralan, upang mapanatiling ligtas ang mga bata at malayo sa panganib habang nasa loob ng paaralan. Ang mga patakaran at batas na ito ay dapat igalang, respetuhin, at sundin.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang artikulo sa ibaba:
Bakit Mayroong Batas? Dahilan Kung Bakit Mayroong Batas
Sa ating paaralan, may mga panununtunan tayong dapat sundin. Mahalaga ang mga tuntunin sa paaralan dahil ito’y nagbibigay ng ayos sa daloy ng pamamahala.
Heto ang +10 na panununtunan na dapat sundin sa paaralan:
- Kung wala kang ID, hindi ka makakapasok sa paaralan.
- Bawal ang mambully ng isang kamag-aral.
- Ipinagbabawal ang pambubully sa mga guro.
- Ipinagbabawal na siraan ang mga pader ng paaralan.
- Bawal ang pinsala sa kagamitan sa paaralan tulad ng mga upuan, libro, mesa, at iba pang mga nasabing item.
- Bawal lumiban sa klase sa mahabang panahon.
- Ang pag cutting ng kalse o hindi pag dalo sa ilang mga klase ay ipinagbabawal.
- Sa oras ng klase, bawal ang mag tambay lamang.
- Magsumikap sa pag-aral.
- Panatilihin ang isang malinis na kapaligiran sa bakuran ng paaralan.
- Respetuhin ang lahat ng tao sa loob at labas ng paaralan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Pangalawang Direksyon? – Kahulugan At Halimbawa Nito