Ano Ang Epekto Ng Karahasan Sa Paaralan? (Sagot)
KARAHASAN SA PAARALAN – Sa paksang ito, ating pag-aarlaan kung ano ang ibig sabihin ng epekto ng karahasan sa paaralan.
Bago tayo magbigay ng mga halimbawa ng mga epekto ng karahasan, atin munang tatalakayin kung ano nga ba ang “karahasan“. Ang karahasan ay ang sadyang paggamit ng lakas na pisikal o paggamit ng impluwensiya para saktan o apihin ang kapwa.

Ito ay posibleng gawin ng masasamang tao sa ating mga sarili, pangkat, pamayanan, komunidad, at iba pa. Ang resulta nito ay labis na kapahamakanng pisikal o kaya mental.
Kaya naman, dapat natin itong bigyang pansin, lalo na sa ating mga paaralan. Kapag may karahasan sa paaralan, atin dapat itong iulat sa mga awtoridad, guro, o kaya’y disciplinary officers ng paaralan.
Heto ang limang posibleng epekto ng karahasan sa paaralan:
- Ang pagpapakita ng karahasan sa isang batang nag-aaral ay maaaring maging traumatiko.
- Dahil mayroong isang biktima ng hindi mabuting gawain, maaari rin itong tukuyin bilang pang-aapi o “bullying” sa Ingles.
- Bukod sa pagkabalisa, ang mag-aaral ay maaari ring mawalan ng gana sa bunga ng isang hindi magandang karanasan sa paaralan.
- Ang mga nakakakita ng karahasan, kung ito man ay ginagawa ng guro o ibang mag-aaral, ay maaaring maniwala na ang gawain ay mahusay o tama. Ang ibang mga kabataan ay maaaring kumopya o makipag-ugnay sa ibang mga mag-aaral sa parehong paraan.
- Ang imahe ng paaralan ay maaaring madungisan at mabaluktot ng mismong paaralan. Mag-aalangan ang mga magulang na ipapasok pa dito ang kanilang mga anak.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Di Pamilyar Na Salita Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito