Ano Ang Mga Halimbawa Ng Palaisipan Na Hindi Bugtong? (Sagot)
PALAISIPAN – Ang mga palaisipan ay hindi magkatulad sa isang bugtong dahil sa ginagamit na lohika.
Ang bugtong ay kadalasang ginagawang libangan ng mga kabataan sa sinaunang panahon. Ito ay mga pangungusap o tanong na mayroong tinatagong kahulugan at kadalasan ay nasa anyong patula.
Dahil dito, mas madali itong kabisaduhin. Kaya naman, mas madaling maipasa ang mga bugtong kahit hindi ito sinusulat.
Samantala, ang palaisipan naman ay kilala bilang pahulaan, o paturuan. Pero, hindi katulad ng isang bugtong, ang mga palaisipan ay payak at simple lamang sa anyo ay umaasa sa patudyong gamit ng tanong at sagot.
Heto ang mga halimbawa ng palaisipan na hindi magkatulad sa isang bugtong:
- Ano ang nasa gitna ng barko at barya? (Sagot: “r”)
- Ano ang isda na lumalaki? (Sagot: “batang isda)
- Paano mo ipapasok ang elepante sa sirang ref? (Sagot: buksan muna ito)
- Anong tinapay ang hindi makain ang gitna? (Sagot: Donut na may butas sa gitna)
Ang mga palaisipan at bugtong ay uri ng mga karunungang bayan na naipasa sa atin mula pa sa ating mga ninuno. Gayunpaman, dapat natin itong bigyan ng halaga dahil parte ito ng ating tradisyon at kultura.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Isinasaalang Alang Mo Ba Ang Ibang Tao Sa Pagbuo Ng Pasya? (Sagot)