Dapat Mo Ba Isinasaalang Alang Ang Ibang Tao Tuwing Gagawa Ng Pasya?
ISINASAALANG ALANG MO BA? – Ang paggawa ng desisyon ay hindi lamang makakaapekto sa ating sarili kundi pati na rin sa ibang tao.
Kailangan nating tandaan na ang bawat desisyon o pasya na ginagawa natin ay mayroong kapalit. Makikita natin ito pagdating sa ating mga responsibilidad at mga pananagutan.
Gayunpaman, dapat nating aalahanin ang ibang tao sa mga desisyon natin. Bukod dito, atin ding dapat na isaalang alang na ang mga bagay na hindi natin ginagawa ay may posibleng masamang epektro rin sa ibang tao.
Halimbawa, ikaw ay kasama sa isang grupo para sa isang proyekto. Pinagusapan ninyo bilang grupo na lahat kayo ay mayroong obhetibong kailangang magawa.
Pero, imbis na gumawa ng parte mo para sa grupo, nag pasya ka na mag-laro na lamang ng kompyuter kasama ang mga kaibigan mo. Dahil dito, hindi nakapasa ang lahat ng miyembro sa grupo.
Heto ay isang halimbawa lamang kung bakit nating kailangan na isinasaalang alang ang ibang tao sa pagbuo ng pasya. Kapag tayo ay sumasaalang alang sa iba, tayo ay nagpapakita na mahalaga sa atin ang ating mga kapwa at sila’y nirerespeto.
Kaya naman, ang sagot sa tanong na “Isinasaalang alang mo ba ang ibang tao sa pagbuo ng pasya” ay dapat na “OO”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Related Literature – What Is Review Of Related Literature (RRL)?