Filipino Wikang Mapagbago Tula, Sanaysay – Halimbawa At Kahulugan

Mga Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Fililipino Wikang Mapagbago

FILIPINO – Ang wikang Filipino ay isang dinamikong instrumento ng komunikasyon na patuloy na mapagbago.

Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba nagbabago ang wikang Filipino at mga halimbawa ng tula, sanaysay, o slogan tungkol dito. Pero, bago natin pag-aralan ang mga ito, atin munang aalamin ang mga rason kung bakit mapagbago ang wikang Filipino:

  • Nagbabago ito sapagkat ang mga pangangailangan ng mga nagsasalita nito ay nagbabago.
  • Ang mga bagong teknolohiya, bagong produkto, at bagong karanasan ay nangangailangan ng mga bagong salita upang mag-refer sa kanila nang malinaw at mahusay.
  • Walang dalawang tao ang may eksaktong kaparehong karanasan sa wika.
  • Marami sa mga pagbabagong nagaganap sa wika ay nagsisimula sa mga tinedyer at kabataan.
  • Habang nakikipag-ugnay ang mga kabataan sa iba nilang kaedad, lumalaki ang kanilang wika upang isama ang mga salita, parirala, at konstruksyon na naiiba sa mga matatandang henerasyon.
Filipino Wikang Mapagbago Tula, Sanaysay – Halimbawa At Kahulugan

TULA TUNGKOL SA WIKANG MAPAGBAGO

Wikang Filipino patuloy na nagbabago,
Teknolohiya, siyensiya, pati na ang kultura ng tao.
Walang ano man sa mundo ang patuloy na nananatili,
Isa na dito ang wika na pagbabago ang minimithi.

Filipino Wikang Mapagbago Tula, Sanaysay – Halimbawa At Kahulugan

Wikang Filipino, ito ay ating pagkakakilanlan,
Pero paano kung ang wika ay patuloy na lumilisan?
Palayo nang palayo sa kanyang pinanggalingan,
Tradisyon ba natin ay ating pang makakamtan?

Sa madaling salita, “oo” ang sagot,
Ito’y dahil ang pagbabago ng wika ay walang dalang poot.
Ang wika ating dapat gamitin,
Upang magsama-sama dayon sa iisang saloobin.

Filipino Wikang Mapagbago Tula, Sanaysay – Halimbawa At Kahulugan

Ating tandaan, kung hindi natin gagamitin ang Filipino, ang ating wikang ninuno, sino ang gagawa? Papansinin lamang natin ito, na para bang isang mahalagang itinapon sa isang nagngangalit na ilog?

Hindi ba yaman natin kung gagamitin natin ito? Hindi ba mas kasiya-siya ang ipagmalaki ang ating Wika kapag ginamit ito para sa pagpapayaman at kaunlaran ng mga Pilipino?

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Mailalarawan Ko Ang Mundo Bilang? (Sagot At Halimbawa)

Leave a Comment