Heto Ang Mga Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Filipino, Wika Ng Saliksik
FILIPINO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung bakit sinasabing wika ng saliksik ang Filipino.
Kadalasan nating makikita ang mga pananaliksik na ginagawa sa wikang Ingles – wika ng mga dayuhan. Subalit, kailangan nating mabigyan ng halaga ang sariling wika lalo na sa larangan ng pananaliksik.
Bilang isang estudyante, akademiko, mananaliksik, o ordinaryong tao man, ang wikang FIlipino ay ating ginagamit bilang instrumento ng pang araw-araw na komunikasyon. Gayunpaman, ating nakakalimutan na mainam rin itong instrumento sa pagtuklas, pagbuo, at pagpapabuti ng kaalaman.
Ang mabilis na pagbabago ng maraming mga bagay sa mundo ay hindi lingid sa ating pagkaunawa, kaya’t ang pagsasagawa ng pagsasaliksik ay isang malaking problema. Dahil dito, tayo’y hinihimok na magkaroon ng isang matibay na pundasyon sa pagtupad ng mga bagay, pagpapatupad ng layunin, at paghusga sa isang kaganapan.
Bilang mga Pilipino, mas nakakatulong sa pag-unlad ng ating kaalaman sa pamamagitan ng pagsasaliksik upang magamit ang sariling wika. Kapag naihatid sa wikang Filipino, ang paghahatid ng detalye at ideya bilang isang kahihinatnan ay magiging kapaki-pakinabang.
BAKIT MAHALAGA ANG PANANALIKSIK
Mahalaga ang pananaliksik dahil ito ang nagbigay daan para sa mga bagay-bagay na nagbibigay ginhawa sa ating buhay sa kasalukuyang panahon. Ang mga imbensyon na ating binibigyan ng halaga katulad ng ating ilaw, telebisyon, at mga sasakyan, ay produkto ng pananaliksik.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Filipino Wikang Mapagbago Tula, Sanaysay – Halimbawa At Kahulugan