Di Mahulugang Karayom Kahulugan At Halimbawa Ng Paggamit Nito

Ano Ang Kahulugan Ng “Di Mahulugang Karayon?” (Sagot)

DI MAHULUGANG KARAYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng “Di mahulugang karayom” at ang mga halimbawa ng paggamit nito.

Ang “Di mahulugang karayom” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga sawikain o idyoma ay mga pariralang hindi diretso ang kahulugan.

Kaya naman, dapat pag-isipan ito ng mabuti. Ang kahulugan ng “di mahulugang karayom” ay “maraming tao”. Ito’y naglalarawan sa isang lugar na puno na dahil nagsisiksikan na ang mga tao upang magkakasya.

Di Mahulugang Karayom Kahulugan At Halimbawa Ng Paggamit Nito

Heto ang mga halimbawa ng paggamit nito sa pangungusap:

  • Hindi na sumusunod ang mga tao sa social distancing sa pagkuha ng ayuda. Di mahulugang karayom ang barangay gym dahil sa mga tao.
  • Di mahulugang karayom ang mga tao sa mall kanina dahil may bumisitang artista.
  • Gusto na lamang ni Peter na umuwi dahil di mahulugang karayom ang damo ng tao sa plaza kanina.
  • Di mahulugang karayom ang mga taong dumagsa sa pagsasalo ng mayor kanina kahit mayroong pandemya.

Ang sawikain o idyoma ay tumutukoy sa mga salita o parirala na malalim. Ito rin ay matatawag nating mga matalinhagang parirala. Ang kahulugan ng mga ito ay hindi tuwiran o hindi ang literal na kahulugan.

Dahil dito, ang kahulugan nito ay nakatago sa mga salita na ginamit. Narito ang ilan pang halimbawa ng sawikain o idyoma at kanilang kahulugan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ekspresyong Nagpapahayag Ng Posibilidad Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment