Ano Ang Mga Ekspresyong Nagpapahayag Ng Posibilidad? (Sagot)
MGA EKSPRESYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad at ang mga halimbawa nito.
Ang mga salita, parirala, at paninindigan na posibleng mangyari o magkatotoo ngunit hindi pa tiyak o tiyak na magaganap ay maaaring makikita sa pang araw-araw na buhay. Dahil dito, gumagamit ang mga tao ng mga ekspresyon para maipakita ang mga posibilidad na ito.

Dahil ang mga ekspresyong ito ay naghatid ng mga posibilidad, ang inilaan na tugon ay maaaring positibo o negatibo, depende kung totoo ang mga salita, parirala, o pahayag.
Heto ang ilan sa mga halimbawa ng mga salita/expresyon na nagpapahayag ng posibilidad:
- Baka…
- Marahil…
- Maaari…
- Sa palagay ko…
- Siguro…
- Tila…
- Posible kaya ng…?
- Pwede kaya ang…
- May posibilidad bang…?
Mga halimbawa ng paggamit nito:
- Baka maka punta ako mamaya pag tapos na ako sa trabaho ko.
- Marahil ay hindi na siya makakasama sa bakasyon.
- Maaari ba akong humingi ng tulong sa iyo?
- Pwede kaya matulog dito ang kaibigan kong si Peter?
- May posibilidad na tatamaan tayo ng malakas na ulan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Romulus At Remus – Buod At Gintong Aral Ng Mitolohiyang Ito