Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Dahilan Ng Pag Usbong Ng Rebolusyong Industriyal”
INDUSTRIYAL NA REBOLUSYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga dahilan ng pag usbong ng rebolusyong industriyal at ang mga halimbawa nito.
Ang rebolusyong industriyal ang isa sa pinaka mahalagang parte ng kasaysayan. Dito, maraming pagbabago ang nakita pagdating sa teknolohiya at nag bunga ng maraming oportunidad para sa ikinabubuti ng kinabukasan.
Pero, ang dahilan ng pag usbong nito ay ang kapitalismo. Ito’y nagbigay ng kapangyarihan sa mga negosyante para magawa ang tinatawag na “Free market Capitalism”.
Ito ay isang prinsipyong nagsasaad na ang gobyerno ay dapat walang kinalaman sa usapan ng ekonomiya at magbigay daan para sa mga negosyante na pamahalaan ito.
Ang prinsipyong ito ay bunga ng kagustuhan ng pagbabago mula sa dating merkantilismong sistema at sistemang monarkiya na siyang nagpapatakbo ng ekonomiya.
Bukod dito, isa rin sa mga dahilan ng pag usbong ng rebolusyong ito ay ang surplus ng produksyon. Dahil naging mas madali at epektibo na ang paggawa ng mga produkto katulad ng produktong agrikultural, nagkaroon ang mga tao ng surplus na maaaring ibenta sa loob o sa labas ng bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paghahati Ng Rehiyon Sa Asya – Paano Ito Ginawa? (Sagot)