Ano Ang Mga Magandang Katangian Ni Sisa Sa Noli Me Tangere? (Sagot)
SISA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga magandang katangian ni Sisa sa nobelang Noli Me Tangere.
Ang Noli Me Tangere ay isa sa pinakatanyag na mga sulatin mula sa Pilipinas na ginawa ni Dr. Jose Rizal, isa sa mga bayani ng bansa. Dahil sa nobelang ito, na udyok ang mga Pilipino na labanan ang pang-aapi ng mga Espanyol.
Makikita sa nobelang ito ang karakter na si Sisa, ina ni Crispin at Basilio. Siya ay sobrang mabait at mapagmahal lalo na sa kanyang dalawang anak. Ngunit, dahil sa kabaitan niya, siya ay hindi lumalaban sa pananakit ng kanyang asawa.
Heto ang ilan pa sa mga katangian ni Sisa:
- Isa siyang magandang babae
- Bukal ang kalooban o Mabuti
- Mahirap na nilalang
- Mabuting Ina kina Crispin at Basilio
Bagaman maraming beses din siyang nasaktan, para sa kanyang mga anak ay naging matiyaga si Sisa. Ang kanyang dalawang anak na sina Crispin at Basilio ay mas masigasig at mapagmahal. At ninanais niya ang magagandang bagay para dito tulad ng ibang ina sa buong mundo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Logos? – Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito