Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Batis Ng Impormasyon?”
BATIS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang batis ng impormasyon at ang mga halimbawa nito.
Ang mga mambabasa at tagapakinig ay nakakakuha ng mga batis ng impormasyon, mula sa mga mapagkukunan ng impormasyon. Para sa naitala na komunikasyon, mayroong dalawang uri ng mga batis.
Una,at ang tinatawag na pangunahing batis. Ang pangunahing batis ay naglalaman ng impormasyon nang direkta mula sa isang makasaysayang bagay o tao. Ang pangalawang batis naman ay naglalaman ng pangalawang makasaysayang batis ng datus mula sa pangunahing makasaysayang batis.
Heto ang mga halimbawa:
Ang pangunahing batis ay naglalaman ng mga datus na mula mismo sa bagay o taong pinag-uusapan. Samantala ang sekondaryang batis ay batayang datus mula sa pangunahing batis.
Pangunahing batis – tumutukoy sa unang kamay (first-hand) na imporamasyon batay sa karanasan at phenomena ng tao o mga tao ang esensyal na pamantayan ng pagkilala rito ay ang pagiging orihinal nito. Halimbawa: Talaarawan/Diary/Journal. Ang mga fossil, buto, at relikya naman ay halimbawa ng pangunahing batis na hindi nakasulat.
Sekondaryang batis – makikita dito ang mga impormasyong nasusulat hinggil sa pangunahing batis o impormasyon. Dahil dito, ang mga datus na ating makukuha ay hindi orihinal. Pero, nakabatay ito sa impormasyong nakikita sa pangunahing batis.
Halimbawa: Diksunaryo, ensaklopidya, aklat, artikulo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Uri Ng Buwis – Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito