Sagot Sa Tanong Na “Saan Nagmula Ang Ibong Adarna?”
IBONG ADARNA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung saan nga ba nagmula ang kuwentong Ibong Adarna at iba pang kaalaman tungkol dito.
Ang kwentong ito ay batay sa epiko tungkol sa kagandahan at mahika ng isang mahiwagang ibon. Bukod dito, ang epikong ito ay tinatawag na isang tulasinta. Mayroon itong 1722 na saknong at nahahati sa 5 parte.
Tinatawag na koridong Tagalog ang Ibong Adarna. Pero, hindi kilala ang tunay na akda. Subalit, may mga taong nagsasabi na ito raw ay likhang sining ni Huseng sisiw of Jose de la Cruz. Ngunit, walang eksaktong petsa kung kailan ito ginawa ng orihinal na awtor.
Sa pagtingin, mapapansin mo na ang Ibong Adarna ay batay sa paniniwala, kultura at pamumuhay ng mga Pilipino. Ang Pilipinas ay may posibilidad na magkaroon ng pananampalataya sa mga hindi nakikitang kapangyarihan.
Gayunpaman, batay ito sa tradisyunal na alamat ng maraming mga bansa tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Pinlandiya, Indonesia at iba pa.
Dahil walang eksaktong detalye tungkol sa Ibong Adarna, sinasabi ng mga iskolar na posible itong nangaling sa mga kuwento galing sa mga Europeong Alamat na sinulat sa panahon ng mga Espanyol.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bigyang Kahulugan Ang Birtud – Halimbawa At Iba Pa