Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Maniniil?”
MANINIIL – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang “maniniil” at ang mga halimbawa nito.
Ang ating pambansang awit na Lupang Hinirang ay nagtataglay ng liriko tungkol sa ating nasyonalismo at paglaban para sa kalayaan ng ating bansa. Nakasulat din dito ang lirikong:
Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.
Ito’y nagsasabi na ang ating bansa ay hindi mag papa-api sa mga malulupit. Ang salitang “pasisiil” ay hango sa salitang ugat na “siil” o mga taong “inaapi”. Samantala, kapag sinabi nating pasisiil, ibig sabihin, hindi tayo mag papaapi.
Ang “maniniil” naman ay ang mga taong malulupit at masama. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “oppressor”. Heto ang mga halimbawa ng paggamit ng salita sa mga pangungusap:
- Ang mga indibidwal na maniniil ay hindi dapat pinupuri ng kahit sino.
- Ang mga prayle noong panahon ng mga Espanyol ay mga maniniil.
- Dahil sa iyong kalupitan sa iyong kapwa dapat lamang na ibansag sayo ang salitang maniniil.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Kagitingan? – Kahulugan At Halimbawa Nito