Saan Nakapaloob Ang Katarungang Panlipunan? (Sagot)
KATARUNGANG PANLIPUNAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung saan nga ba nakapaloob ang katarungang panlipunan at ang mga halimbawa nito.
Sa ating lipunan, may mga batas na ating sinusunod upang mapanatili ang katarungan. Kung wala ang mga ito, maaaring magka-gulo sa mga lipunan na magdudulot ng lubosang pagkasira ng komunidad.
Pero ano nga ba ang mga nakapaloob sa katarungang ito? Heto ang mga halimbawa:
Batas – Kailangan ang batas sa isang lipunan dahil ito ang nagbibigay ng mga dapat at hindi dapat gawin ng mga indibidwal sa kanilang kapwa.
Kapwa – Mahalaga rin na magkaroon ng ugnayan ang lahat ng indibidwal sa isa’t-isa para mayroong katarungan at mabuo ang sarili at komunidad.
Sarili – Kailangan ng isang tao na isaayos ang kanyang sarili upang magkaroon ng direksyon ang kanyang buhay. Kapag hindi na isa-ayos ang sarili ang tao ay posibleng hindi sumunod sa mga batas at maka-gawa ng masama laban sa kapwa.
Kaya naman, para mapanatili ang katarungan ng lipunan, dapat itong isaalang-alang. Bukod dito, atin rin dapat na tignan ang sarili dahil ang katarungan ng isang lipunan ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Banghay Ng Paglisan – Ano Ang Banghay Ng Nobelang Ito? (Sagot)