Sagot Sa Tanong Na “Paano Natin Maiiwasan Ang Diskriminasyon?”
DISKRIMINASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang diskriminasyon at kung paano natin ito maiiwasan.
Lahat ng tao ay may iba’t-ibang paniniwala, tradisyon o kultura. Bukod dito, ang ibang tao ay may kanilang opinyon na maaaring magsalungat sa iyo. Ang lahat ng ito ay marami pang iba ay posibleng magdulot ng diskriminasyon.
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uugali na nagbubukod, naghihiwalay at nagbibigay ng mababang tinging sa mga tao batay sa mga ideya na magkasulungat sa iyong pananaw o dahil sa pansariling prejudis.
Dahil sa diskriminasyon, mas masama ang pagtrato ng ibang tao sa iba dahil lamang sa mga pansariling pananaw o pananaw ng isang kultura. Kaya naman, dapat nating itong maiwasan. Heto ang mga halimbawa kung paano ito gagawin:
- Bago magpasa ng paghatol, dapat isaalang-alang ng isa kung tama o hindi ang desisyon. Kung walang nakakaapi at nag-api ay maiiwasan ang diskriminasyon.
- Ang pananatiling aktibo sa mga pag-uusap tungkol sa mga isyu ng diskriminasyon ay nag bibigay sa atin ng oportunidad upang pag-isipan ang pananatiling moral, emosyonal, intelektwal, at kasangkot sa lipunan.
- Ang pagsalita sa mga na-aapi o ang pagtulong sa mga biktima ng diskriminasyon ay labis na nakakatulong dahil nagbibigay ito ng rason para mapag-usapan ang isang mahalagang isyu.
- Sa paaralan, dapat rin tayo maging maingat, lalo na sa mga biro na labis nakakasakit sa damdamin ng iba kapag tungkol na ito sa diskriminasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Entitlement Mentality – Kahulugan At Halimbawa Nito