Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Paghahabi?”
PAGHAHABI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang paghahabi at ang mga halimbawa nito.
Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura at tradisyon. Isa sa mga tradisyong ito ay ang paghahabi. Dahil ito ay parte ng ating kultura at tradisyon, dapat natin itong bigyan ng halaga at pag-aralan.
Ang paghahabi ay isang uri ng sining. Ito’y ginagawang kabuhayan ng mga tao sa lalawigan ng Kalinga. Ito ay ang paggawa ng tela na ang pangunahing gamit ay iba’t-ibang klase ng sinulid.
Sa modernong panahon, mabilis na lamang gumawa ng tela gamit ang malalaking mga makina galing sa malalaking pabrika. Ngunit, ang paghahabi ay ginagawa gamit ang mga kamay lamang ng mga eksperensyadong tao.
Ginagamit ang habihan sa pagsasama-sama ng mga sinulid upang makabuo ng magandang disenyo ng tela. Bago pa man dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas, ang paghahabi ay bahagi na ng kultura ng ating mga katutubo dahil nagsisilbing kasuotan ang kanilang mga nagagawa mula dito.
Higit pa sa isang kabuhayan, ang paghahabi ay paraan rin upang mapanatili ang tradisyon at kultura ng mga katutubo galing sa mga rehiyon katulad ng Cordillera.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Praktikal Ang Pananaliksik – Halimbawa At Kahulugan