Sagot Sa Tanong Na “Paano Binabasa Ang Korido”
KORIDO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba binabasa ang korido at ang mga halimbawa nito.
Una sa lahat, atin munang alamin kung ano nga ba ang korido. Base sa huling artikulo na ating tinalakay, ang isang Korido ay: Hango sa Kastilang salita na “Correr”. Ito’y nangagnahulugan na “dumadaloy”.
Pero paano ba ito binabasa? Ang isang korido ay tinatawag na genre na nasa anyong patula. Kaya naman, binabasa ito sa patulang paraan. Dahil ito ay “dumadaloy”, ang Korido ay mabalis ang pagbigkas.
Bukod dito, ito ay binabasa sa kumpas ng martsa na “Allegro”. Karagdagan, ito ay kawiliwiling basahin para sa mga madla dahil nakapaloob dito ang mga kasaysayang nakaka-akit.
Mayroong walong pantig ang Korido at binubuo ito ng 1,172 na saknong. Dahil ito ay patulang binabasa, mayroon itong pormat na sinusunod para basahin, bigkasain, o kaya ay sulatin.
Ang mga tanyag na halimbawa ng isang Korido ay ang ibong Adarna at ang Mitong “Bernardo Carpio”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paglalahad Ng Sariling Pananaw – Halimbawa At Kahulugan