Bakit Praktikal Ang Pananaliksik? (Sagot)
PANANALIKSIK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba praktikal ang pananaliksik at ang mga halimbawa nito.
Ang pananaliksik ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng agham o siyensiya. Kapag walang pananaliksik, hindi makakamit ang mga teorya o wala tayong malalamang konsepto. Ang mga ito ay siyang nagpapatakbo sa ating modernong pamumuhay.
![Bakit Praktikal Ang Pananaliksik - Halimbawa At Kahulugan](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2021/06/image-6.png)
Ito ang dahilan kung bakit praktikal ang pananaliksik. Kapag ito’y nawala, hindi na tayo makaka hanap ng sagot sa mga katanungan na maaaring magbigay sa atin ng higit pang pagka komportable. Higit pa dito, hindi natin makikita ang mga sagot sa tanong na kritikal para sa ating lipunan.
Masasabi natin na ang pananaliksik ay ang daan patungo sa isang maunlad na hinaharap. Ito’y dahil sa mga solusyon nito sa mga modernong problema sa ating lipunan.
Praktikal at makatotohanang ang pananaliksik sapagkat ito ay batay sa pamamaraang pang-agham, na hinihiling na ang pagsasaliksik ay dapat magsimula sa isang teorya, na dapat mapalsipikado (nangangahulugang mapatunayan itong tama o mali), na sinusundan ng isang siyentipikong pag-aaral kung saan ang teorya ay nasubok.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paraan Ng Pananakop – Halimbawa At Kahulugan Nito