Ano Ang Kahalagahan Ng Paglalahad Ng Sariling Pananaw? (Sagot)
PAGLALAHAD NG PANANAW – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang paglalahad ng sariling pananaw.
Bilang mga miyembro ng lipunan, tayong lahat ay mayroong karapatang maglahad ng kanilang opinyon sa mga isyung makikita dito. Higit pa rito, kapag ang isang isyu ay mahalaga para sa pamayanan at sa lahat, mas nagiging mahalaga ang mga kritikal na opinyon.
Kritikal ang pagbahagi sa iyong sariling pananaw dahil dito mo maipapahayag ang iyong nararamdaman at nag-aalok ka rin ng mga ideya na maaaring maka-impluwensya sa pananaw ng isang tao. Ito ay makabuluhan dahil pinapayagan kang magpaliwanag ng mga isyu.
Pero, alam naman natin na ang isang opinyon ay iba sa katotohanan. Ngunit, ating dapat na malaman na ang opinyon o ating sariling pananaw, ay dapat ring naka ugat sa mga paktual at totoong impormasyon.
Ibig sabihin, mayroon pa rin tayong responsibilidad sa mga pananaw na ating nilalahad. Heto ang isang halimbawa:
May isang pribadong kompanya na pumutol sa mga punong kahoy sa daan. Sabi nila, nakakuha sila ng permit galing sa lokal na pamahalaan. Samantala, si Jema, bilang isang mamamayan ay nag pahayag ng kanyang opinyon.
Para sa kanya, mali ang ginawa ng pribadong kompanya. Kahit na nagkaroon nga ng permit, hindi pa rin ito tama dahil labag ito sa pambansang batas pang-kalikasan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mayroong Manila Act? – Halimbawa At Iba Pang Kaalaman