Ano Ang Mensahe Ng “Walang Sugat” Ni Severino Reyes? (Sagot)
WALANG SUGAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mensahe ng kuwentong “Walang Sugat” ni Severino Reyes.
Si Severino Reyes ay isa sa mga tanyag na manunulat ng Pilipinas. Isa sa mga sulatin nito na napamulat ang madla ay ang “Walang Sugat”. Ngunit, ano nga ba ang mensaheng ipinapahiwatig nito.
Ang Walang Sugat ay sumusunod sa mga pangyayari sa buhay nina Juli, Tenyong, at ang kaibigan nitong si Lucas. Ito rin ay tumatalakay sa mga konsepto ng paghihiganti at pagpapatawad. Heto ang ilan sa mga mensahe ng kuwento:
- Isa sa mga mensahe ng kuwentong ito ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng paninindigan. Ito’y tumatalakay sa pagiging desidido na makuha ang karapat-dapat na justisya katulad lamang ng paghanap ng tauhan ng hustisya para sa namatayang kaanak o kapamilya.
- Pinapakita rin nito ang halaga ng paninindigan sa tunay na minamahal sa buhay. Kapag tunay mong mahal ang tao, hahanap ka ng paraan upang sa huli ay siya pa rin ang gusto mong makasama habang buhay.
- Ito rin ay nagsasalaysay na dapat tayo’y matutong lumaban at ipagtanggol ang ating karapatan kontra sa mga mapang-aping mga tao kung alam naman natin sa sarili na wala tayong ginawang kasalanan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sino Ang Nagkaloob Buod At Gintong Aral Ng Kuwento