Sagot Sa Tanong Na “Sino Si Marco Polo”
MARCO POLO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung sino nga ba si Marco Polo at kung ano ang mga ambag nito sa ating kasaysayan.
Si Marco Polo ay isang tanyag na manlalakbay galing sa Europa. Bukod dito, isa rin siyang manunulat. Sa lahat ng lugar na kanyang napuntahan, siyang nag dodokumento ng kanilang kultura, tradisyon, uri ng pamumuhay, at ang mga produkto at serbisyong makikita dito.
Dahil sa kanyang mga sulat, nagkaroon ng oportunidad ang mga taga Europa na magtungo sa Asya at sa buong mundo. Kaya naman, masasabi na siya ang dahilan kung bakit nabuksan ang asya para sa mga taga kanluran.
Heto ang mga naiambag ni Marco Polo ayon sa Brainly:
- Ang paggamit ni Marco Polo ng 3-mastered clipper ship at compass ay naging daan upang malakbay niya ang iba’t ibang lugar lalo na ang Asya.
- Siya ang nanguna sa mga tagalakbay mula sa kanluran na nakadiskubre sa Silk Road
- Si Marco Polo ay tumulong sa pagpapalitan ng kalakal sa pagitan ng Asya at Europa.
- And palitan na nabuo mula kay Marco Polo ay naging daan ng mga makabagong pag aaral
- Si Marco Polo ang unang gumawa ng mapa ng silangang Asya
- Ang aklat ni Marco Polo na “Description of the World” ay siyang nagturo sa mga manlalakbay at eksperto ng magagandang bagay na nakita niya sa Asya
- Si Marco Polo ay nagsilbing inspirasyon sa paglalakbay para kay Christopher Columbus, ang kinikilalang unang taong nakadiskubre sa Amerika
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
BASAHIN DIN: Musikal Na Ideya Na May Pataas Na Himig – Kahulugan At Halimbawa