Ano Ang Kahulugan Ng Monologo? (Sagot)
MONOLOGO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang monologo at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Maraming halimbawa ng komunikasyon tayong makikita. Ito’y nangyayari sa araw araw nating buhay. Subalit, kapag sinabi nating monologo, kadalasan ay hindi natin ito makikita sa ating ordinaryong buhay.
Ito’y dahil ang komunikasyon ay isang bagay na dalawa o higit pang tao ang kasama. Ngunit, sa isang monologo, isang tao amang ang nagsasalita at may pansarili itong pakay o layunin.
Ang isang monologo ay ginagawa ng isang tauhan o isang karakter para makamit nito ang kanyang mga minimithi para sa sarili. Maaari rin na ang pakay lamang nito ay marinig lamang ng iba at hindi ang “makinig”.
Bukod dito, masasabi rin natin na ang monologo ay isang halimbawa ng komunikasyon kung saan ang isang karakter at bumibigkas ng mga saloobin nito o ang mga bagay na nasa isipan lamang nito. Kadalasan makikita ang monologo sa mga dula, pelikula, at mga palabas sa telebisyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sino Si Marco Polo – Kaalaman Tungkol Sa Tanyag Na Manlalakbay