Ano Ang Mga Paraan Ng Pagkalap Ng Datos? (Sagot)
DATOS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng paraan ng pagkalap ng datos.
Ang pagkuha ng datos ay ang pinakamahalagang parte ng kahit anong pananaliksik. Ito ang magiging basihan ng iyong paksa at magsasagot sa mga katanungan ng mga kabilang dito.
Maraming paraan ng pagkalap ng datos. Ang mga ito ay nakadepende kung anong uri ng pananaliksik ang gustong gawin ng mga tagasaliksik. Heto ang mga halimbawa ng mga hakbang sa pagkalap nito:
Interbyu – Ito ay isa sa pinakamadaling paraan ng pagkuha ng datos. Isa itong pormal na konsultasyon o pakikipanayam sa isang grupo o indibidwal upang makakuha ng datos tungkol sa paksang tinatalakay.
Sarbey – Tumutukoy ito sa paggawa ng mga importanteng tanong na nakabatay sa pananaliksik na gagawin. Ang mga katanungang ito ay binabahagi isang partikular na grupo o lugar upang maka kuha ng impormasyon.
Eksperimento – Ito ay isang paraan ng pananaliksik na ang mga tagasaliksik mismo ang lilikha. Sila’y sumusunod ng isang proseso na kakasangkutan ng mga partikular na varialble o elemento para makakolekta ng mga mahahalagang datos.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Patakarang Piskal – Kahulugan At Halimbawa Nito