Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Patakarang Piskal?”
PATAKARANG PISKAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng patakarang piskal at ang kahalagahan nito.
Ang patakaran sa piskal ay tumutukoy sa pamamahala ng ekonomiya upang mapagtibay ang pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabadyet, pagbubuwis, at paggastos.
Ito ay mayroong dalawang pangunahing patakarang:
1. Mapatatag ang Ekonomiya ng Bansa – Sa pagpapatupad ng patakarang piskal, na sisigurado na walang biglaang pagbabago sa pagtatakbo sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod dito, nagbibigay ng oportunidad ang patakarang ito na mapababa ang implasyon ng ekonomiya.
Karagdagan, dahil sa patakarang piskal, atin ring makikita ang patuloy na pagtaas ng produksyon na makapagbibigay ng trabaho at oportunidad para sa mga mangagawa.
2. Mapasigla ang Ekonomiya – Kapag mayroong patakarang piskal, napapataas ang antas at dami ng isang produkto o serbisyo sa isang partikular na panahon. Makikita rin natin ang pagbabago sa teknolohiya at positibong puwersang panlabas.
Dalawang Uri ng Patakarang Piskal
- Expansionary Fiscal Policy
- Layunin nitong mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng paggasta ng gobyerno at pagbaba ng mga buwis.
- Contractionary Fiscal Policy
- Nilalayon nitong bawasan ang kasikipan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbawas sa paggasta ng gobyerno at pagtaas ng kita sa buwis.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Kailangan Maging Makatarungan – Kahulugan At Halimbawa