Ano Ang Mga Halimbawa Ng Tunggaliang Tao Vs Tao? (Sagot)
TAO VS TAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng tunggaliang tao vs tao at ang kahulugan nito.
Ang tunggalian ay nagiging instrumento para sa madudulang tagpo. Ito’y ginagamit para makapagbigay ng kapana-panabik na mga pangyayari.
Isa sa mga tunggaliang ito ay ang Tungalian ng Tao kontra sa Tao. Pero ano nga ba ito?
Ang tunggaliang tao sa tao, ay isang uri ng tunggalian sa pagitan ng isang tao, kadalasan ito ay ang ating pangunahing tauhan at ng isa pang tao (ang kalaban). Sa Ingles ito ay ang labanan ng “Protagonist at Antagonist”. Sa Tagalog naman, ito ang laban ng Bida kontra sa Kontrabida.
Ang tunggaliang ito ay isa sa mga pinaka tanyag na tunggalian na ating makikita sa mga kwento. Sa ganitong uri ng kwento, tao din ang nagpapahirap sa bida o ang pangunahing tauhan.
Dahil dito, masasabi natin na ang kalaban niya ay kapwa niya ring tao. Ito ay protagonista laban sa antagonista, bida laban sa kontra bida, kabutihan kontra sa kasamaan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Kailangan Magbayad Ng Buwis – Kahulugan At Iba Pa