Ano Nga Ba Ang Kahulugan Ng Salitang “Hiraya”? (Sagot)
HIRAYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng salitang hiraya at ang mga halimbawa nito.
Maraming mga Tagalog na salita ang hindi natin kadalasang ginagamit. Pero, ang mga salitang ito ay parte ng ating kultura at dapat bigyang halaga. Bukod dito, magandang pakingan ang mga salitang ito at nagtataglay rin ng mga magagandang kahulugan.
Sa artikulong ito, ating aalamin ang kahulugan ng salitang “Hiraya”.
Kapag tayo’y nananaginip habang gising, o kaya tayo’y may iniisip na gustong mangyari sa kasalukuyan na parang makikita na natin, ang tawag dito ay “Hiraya”. Sa Ingles, matatawag natin ang Hiraya bilang “Imagination or Illusion”.
Pero, hindi lamang ‘yun ang kahulugan ng salita. Depende sa konteksto, maaari rin itong maging “aspirasyon” ng isang tao.
Ayon sa Quora, ang salitang “Hiraya” ay galing sa Sinaunang Tagalog. Minsan, ito rin ay sinusulat bilang “haráya o harayà“. Bukod dito, ang salitang “Hiraya” ay galing sa Sanskrit na “Hrdaya o hridaya”.
Sa simpleng salita, matatawag lamang itong imahinasyon. Ngunit, para sa mga sinaunang Pilipino, ito ay ang salitang naglalarawan sa kapangyarihan at kagandahan ng ating mga pag-iisip na lumikha ng isang bagay na hindi natin basta-bastang masisilayan. Kaya naman, ito’y salitang naglalarawan sa pagkamalikhain at pagiging sentro ng pag-iisip.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Mapapanatili Ang Kasagraduhan – Halimbawa