Ano Ang Mga Halimbawa Ng Kontemporaryong Panitikan? (Sagot)
KONTEMPORARYONG PANITIKAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng kontemporaryong panitikan at ang kahulugan nito.
Maraming uri ang panitikan tayong makikita. Lalo na ngayon, sa pag-angat ng teknolohiya, mas marami nang uri ng panitikan. Dahil dito, dumami rin ang plataporma kung saan ito makikita.
Dito pumapasok ang mga kontemporaryong panitikan. Pero ano nga ba ito?
Ito ay nagsimula noong taong 1996 hanggang kasulukuyan. Sa panahon na ito, tinawag na ang bansa natin bilang bagong Republika ng Pilipinas. Bukod dito, isinalin na rin sa mga magazine, pelikula, radyo, at internet ang mga panitikang kilala nating lahat.
Sa mga kontemporaryong panitikan, makikita natin ang mga sulatin o gawang-sining na patungkol sa realidad ng totoong pamumuhay. Sumasalamin ito sa mga buhay ng mga Pilipino, ang uri ng pamahalaan, at kung paano sila namamalakad.
Ilan lamang sa mga tanyag at tampok na panitikan katulad nina Mars Ravelo, Ryan Cayabyab, ang bandang Eraserheads, at si Freddie Aguilar.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Unang Panauhan? – Halimbawa At Kahulugan Nito