Ano Nga Ba Ang Unang Panauhan? (Sagot)
UNANG PANAUHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang unang panauhan at ang mga halimbawa nito.
Masasabi natin na ang isang unang panauhan ay pasalaysay na paraan ng pagbibigkas o pagsulat ng isang kuwento. Dito, ang tagapagsalaysay o may akda ay nagbibigay pahayag sa mga pangyayari mula sa kanyang sariling mga mata.
Matatawag ito na “first person perspective” o personal na perspektibo sa Tagalog. Kadalasan, ginagamit ang mga unang panauhan na “ako” o “kami”. Heto ang mga halimbawa:
- Ako at si Peter ay pumunta sa paaralan noong Sabado, pero pag dating namin, walang tao.
- Kami ay sumali sa paligsahan sa pagsayaw, pero, kahit anong ensayo namin, hindi kami nanalo.
Heto naman ang halimbawa ng mga pangungusap na hindi gumagamit ng unang panauhan.
- Si Peter at ang kanyang kaibigan ay pumunta sa paaralan para lang malaman na walang tao dito.
- Ang mga magkakaibigan ay sumali sa paligsahan at nag ensayo ng todo, pero hindi sila nanalo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakatulad Ng Nobela At Maikling Kuwento – Halimbawa