Ano Ang Mga Katangian Ng Entrepreneur? (Sagot)
ENTREPRENEUR – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng katangian ng isang entreupreneur.
Ang isang matagumpay na entrepreneur ay may iba’t-ibang mahahalagang katangian na maaari nating sundin para tayo rin ay magtagumpay, hindi lamang sa negosyo, pero sa iba’t-ibang mga aspeto ng ating buhay. Heto ang mga halimbawa ng katangian nila:
Matinding magplano at maghanda – Ang pagpaplano ay mahalaga dahil ito ang nagiging basihan sa kung ano ang balak nating gawin. Ang pagiging matagumpay sa negosyo ay nagsisimula sa plano, anong produkto ang ibebenta, saan i bebenta, at sino ang mga bibili nito.
Dapat kasama rin sa mga plano ang contingency plans o mga plano kapag hindi natupad ang unang mga planong ginawa.
Mahaba ang pasensiya – Hindi madali ang tagumpay, lalo na sa negosyo. Kaya dapat hindi tayo maghihinayang kapag hindi nabebenta ang ating mga produkto at serbisyo. Ang bawat bagay ay pinag-iisipan nang maigi. Lalo na kung may kinalaman sa pagtuturo sa mga tauhan, sa pagkuha ng ka-partner, sa pagiging masinsin sa kalidad at iba pa.
May motibasyon at puwersa sa sarili – Lahat ng entrepreneur ay may kinakaharap na takot at kaba, lalo na kapag hindi magandang ang mga benta. Kaya naman, dapat nating magkaroon ng motibasyon sa araw-araw. Ang tanong, sino ang umuungos da-hil sa paghatak niya sa kanyang sarili.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kasalungat Ng Bayanihan – Halimbawa At Kahuluagan Nito